Bakit JustMarkets?
Ang JustMarkets ay isang broker na tumutulong sa mga tao na kumita sa mga pinansyal na merkado sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga kapaki-pakinabang na kondisyon.
Pinagkakatiwalaan ng mga trader
Nakuha na ng JustMarkets ang tiwala ng milyun-milyong kliyente mula sa higit 160 bansa. Ang aming kumpanya ay isa sa pinakasikat na mga broker sa mundo. Pinahahalagahan namin ang tiwala ng aming mga kliyente at nananatiling nakatuon sa pagbibigay ng maaasahang serbisyo at paglikha ng pangmatagalang relasyon sa aming mga trader at partner.
Kalidad
Sinisiguro naming alam namin ang mga pinakabagong uso para mapabuti at mapalawak ang aming mga serbisyo para sa mga trader at partner. Ang layunin namin ay bigyan sila ng oportunidad na gawin ang paborito nila at hindi magambala ng anupaman.
Propesyonalismo
Ang batayan ng aming tagumpay ay ang team ng mga propesyonal na may matatag na financial background at maraming taong karanasan. Ang team namin ay palaging handang tumulong sa mga customer at i-organize ang pinakamahusay na kapaligiran ng pagtatrabaho para sa kanila.
Pagiging Maaasahan
Nakukuha lamang ng mga kliyente namin ang mga quote ng pinakamalalaking bangko sa mundo. Ang kanilang personal at pinansyal na impormasyon ay ligtas mula sa pag-access ng mga third party. Ang lahat ng customer ay ganap na protektado mula sa negatibong balanse sa kanilang mga account.
Aming Misyon
Ang makalikha ng isang maginhawa at transparent na kapaligiran sa pagte-trade kung saan maaaring maabot ng lahat ang kanilang buong potensyal sa pamumuhunan. Sinisikap naming mag-alok ng napakahusay na spreads, execution, at serbisyo.
Aming Bisyon
Upang maging isang broker sa mundo na pinaka-nakasentro sa customer, kung saan ang lahat ay maaaring mag-trade at mag-invest sa isang simple at transparent na paraan.
Mga Pangunahing Pinahahalagahan
Customer ang Mauuna
- Lahat ng ginagawa namin, ginagawa namin para sa aming mga customer. Sa pamamagitan ng pag-update ng mga kasalukuyang serbisyo o paglikha ng mga bago, pangunahin naming sinisikap na gawing simple at maginhawa ang mga ito para sa mga customer.
- Masigasig kaming nagsusumikap upang makuha at mapanatili ang tiwala ng mga customer.
- Nakapokus kami sa mga kliyente kahit na binibigyang pansin ng mga lider ang mga kakumpitensya, nahuhumaling sila sa mga customer.
- Iba kami mag-isip at naghahanap ng mga paraan para paglingkuran ang mga customer.
Tiwala
- Taimtim kaming nakikinig, tapat na nagsasalita, at tinatrato ang iba nang may paggalang.
- Nakakamit namin ang tiwala sa pamamagitan ng paggawa at pagtupad ng mga pangako. Gawin ang sinasabi mo at akuin ang buong responsibilidad para sa iyong mga aksyon.
- Direkta kaming nakikipag-usap sa mga tao tungkol sa mga isyu, sa halip na itago o piliin ang tsismis.
- Obligado kaming hamunin ang mga desisyon nang may respeto kapag may hindi pagkakasundo, kahit na ang paggawa nito ay hindi komportable o nakakapagod. Ang mga lider ay may paninindigan at matatag. Kapag napagpasyahan na ang isang desisyon, buong-buo nilang ibinibigay ang kanilang mga sarili.
Patuloy na pag-aaral
- Hindi kami kailanman natatapos sa pag-aaral, palaging naghahangad na mapabuti ang aming mga sarili at ibahagi ang aming kasanayan. Mausisa kami sa mga bagong posibilidad at kumikilos upang tuklasin ang mga ito.
- Patuloy na nagbabago ang mundo, at kailangan naming sumabay sa pagbabago nito. Baguhin mo man ang sarili mo o lumikha ng pagbabago, pareho itong pinakamagandang uri ng mga pagbabago.
- Palagi naming kinukuwestyon ang aming mga paniniwala at kasabay nito, hindi nawawala ang kakayahang gumawa ng mga desisyon.
Masigasig sa trabaho
- Nag-eenjoy kami sa aming trabaho, gusto ang aming ginagawa at nagsasaya.
- Lumilikha at ipinahahatid ang isang mapangahas na direksyon na nagbibigay-inspirasyon sa mga resulta.
- Hinahamon namin ang aming sarili, inuudyukan ang aming sarili, dinidisiplina ang aming sarili upang mahigitan ang aming sarili.
Nakatuon sa Resulta
- Upang kami ay magtagumpay, dapat ay mayroon kaming napakatataas na pamantayan at magtrabaho nang mas maigi at mas matalino kaysa sa iba.
- Pinahahalagahan namin ang pagkumpleto ng mga gawain, sa halip na pag-usapan lamang ang mga ito. Ang mahusay na pagdedesisyon at mabilis na execution ay susi upang manatilihing makabuluhan.
- Mas gusto namin ang automation kaysa sa manu-manong trabaho.
- Kami ay nagbibigay prayoridad, nagpopokus sa 20% na magbibigay sa amin ng 80% ng epekto.
Pagmamay-ari
- Pangmatagalan kami kung mag-isip at hindi isinasakripisyo ang pangmatagalang halaga para sa mga panandaliang resulta.
- Hindi kami kailanman nagsasabing “hindi ko trabaho ‘yan.” Nagsusumikap kami sa lahat ng lebel, nananatiling konektado sa mga detalye, madalas na gumagawa ng pag-audit, at nagdududa kapag nagkakaiba ang mga sukatan at anekdota. Walang gawaing mahirap para sa amin.
- Ang bawat isa sa amin ay responsable sa pagprotekta sa lahat ng impormasyon at lahat ng teknolohiyang ginagamit at nililikha namin araw-araw.
- Gumawa nang mas marami mula sa kakaunti. Ang mga limitasyon ay nagbubunga ng pagiging mapamaraan, kasarinlan, at imbensyon. Walang ekstrang puntos para sa pagpapalaki ng bilang ng mga tauhan, laki ng budget, o nakapirming gastusin.
- Nauunawaan namin na kami ang dahilan para sa lahat ng nangyayari sa amin, lahat ay nakasalalay sa amin, na nangangahulugang maaari naming baguhin ang lahat ng naisin namin.